Inatasan ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang mga unit commanders sa Metro Manila na pag-aralang mabuti ang mga guidelines sa pagpapatupad ng COVID-19 Alert Level 3.
Ito ay upang maiwasan ang kalituhan sa pagpapatupad ng mga pinaluwag na patakaran sa pagbaba ng quarantine level sa Metro Manila.
Kasunod ito ng pag-apruba ng Inter Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa rekomendasyong ipatupad ang Alert 3 sa Metro Manila epektibo Oktubre 16 hanggang 31.
Bilin ni Eleazar sa mga commanders na siguraduhing kabisado ng kanilang mga tauhan ang mga bagong reglamento.
Pakiusap naman ni Eleazar sa mga mamamayan na sa kabila ng pagbaba ng COVID alert Level, wag magpaka-kampante at patuloy na obserbahan ang mga Health protocols dahil nananatili parin ang banta ng virus.