Inatasan ni PNP Chief PGen. Archie Francisco Gamboa si PNP Health Service Director PBGen John Luglug na makipag-coordinate sa Department of Health at tumulong sa pag imbestiga kaugnay sa kaso ng ‘corona virus.’
Ito’y matapos na ma-diagnose na may sintomas ng Corona virus infection ang isang limang taong gulang na batang Chinese na dumating sa Cebu mula sa Wuhan, China noong January 12,2020.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Bernard Banac, inatasan din Gamboa ang mga ibang Regional Directors na makipag coordinate sa mga Regional Health Offices sa kani-kanilang mga lugar.
Ito’y upang malaman kung paano makakatulong ang PNP sa pagpigil ng pagkalat ng Corona virus sa bansa, at sa pag locate ng mga taong tutukuyin ng DOH na possibleng may dala ng sakit.
Tiniyak ni Banac na handa ang PNP na suportahan ang DOH sa pag-iwas sa isang Public Health hazard.