-- Advertisements --
PNP Chief Camilo Casculan

Wala nang Christmas Party sa Philippine National Police (PNP).

Ito ang binigyang-diin ni PNP chief, Gen. Camilo Pancratius Cascolan kasunod ng hiling ng Metro Manila Council sa iba’t ibang pribadong kompaniya na wala munang Christmas party upang makaiwas sa COVID-19.

Sinabi ni Cascolan, maiintidihan naman ito ng mga police personnel kung wala munang Christmas party.

Ayon sa PNP chief nagdesisyon kasi sila na gamitin ang perang gagastusin sa party para labanan ang pandemya dahil maryoon din silang mga tauhan na apektado ng COVID-19 virus.

Ang hindi pagkakaroon ng party ay paraan din nila para maiwasan ang transmission ng sakit.

Siniguro naman ni Cascolan makakatanggap ng tamang insentibo ang kaniyang mga tauhan lalo na ang frontliner na naging tradisyon tuwing Pasko.

Ang pagbibigay ng cash incentives ay bahagi ng pagtaas sa morale ng mga police.

Una nang nasabi ni Cascolan na kanilang pag-aaralan ang pagpapaliban sa Christmas party at sa halip ay austerity measure ang kanilang gagawin.