Target ngayon ng PNP manhunt operation ang isa pang Parojinog na nakatakas sa isinagawang raid noong Linggo sa Ozamiz City na ikinasawi ng nasa 16 anim na katao kabilang si Mayor Reynaldo Parojinog Sr.
Ayon kay PNP chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa, batay sa kanilang impormasyon nang madestino si S/Insp. Jovie Espenido sa Ozamiz City police agad na umanong umalis sa siyudad si Ricardo Parojinog.
Kwestiyon ni Dela Rosa, bakit siya umalis sa Ozamiz na ibig sabihin siya ang pinaka-guilty.
Hamon ni Dela Rosa, magpakalalaki siya at humarap sa mga otoridad kung wala talaga siyang kasalanan.
Aniya, mahalaga na makuha nila si Ricardo kaya pinaghahanap na siya ngayon ng mga otoridad.
Wala umanong dapat ikabahala ang mga indibidwal na walang kasalanan dahil hindi naman sila ang target ng mga police operation.
Hindi pa masabi ni PNP chief kung ano ang resulta ng autopsy report sa mga Parojinog dahil hindi pa nagsusumite ang PNP Crime Lab.
Itinanggi naman ni Dela Rosa na “friendly fire” ang tumama sa mga pulis na nasugatan sa naganap na raid noong Linggo ng madaling araw.