Kinilala ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang naging mga accomplishments ng tauhan ng Pambansang Pulisya sa nakalipas na mga panahon.
Ayon kay Gen. Marbil, ginampanan ng kanyang mga tauhan ang kanilang mandato ng higit pa sa kanilang tungkulin.
Ginawa nito ang pahayag kasunod ng matagumpay na pagkaka aresto kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na sinasabing may kinalaman sa mga ilegal na operasyon ng POGO sa bansa.
Bukod dito ay ang pagkaka aresto rin sa kontrobersyal na pastor na si Apollo Quiboloy kasama ang apat na kapwa akusado nito.
Ang mga ito ay nahaharap sa mga kasong child and sexual abuse at human trafficking.
Giit pa ni Marbil, ang ginawang hakbang ng pulisya sa pagpapatupad ng batas ay pagpapakita lamang ng katatagan at sakripisyo upang magampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin.
Tiniyak rin ng opsiyal na mananatiling titindig ang PNP sa kabila ng mga batikos na kinakaharap nito gawin ang kanilang mandato.