-- Advertisements --

Nakapaglabas na ng warrant of arrest laban kina P/Supt. Marvin Wyn Marcos at 19 na iba pa mga pulis mula sa CIDG Region 8 na isinasangkot sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Kinumpirma ni PNP chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa na lumabas ang warrant nitong weekend lamang mula sa Baybay, Leyte RTC kung saan isinampa ang kasong murder laban sa mga nabanggit na pulis.

“Lumabas na ang warrant of arrest for murder. Twenty lahat sila accounted na sa CIDG Region 8,” pag-amin pa ni Gen. Bato sa press conference… “Bahala na ang court kung saan sila ikukulong.”

Nasa kustodiya na ngayon ng PNP CIDG Region 8 sina Marcos at hinihintay na lamang ang return of warrant.

Sina Marcos ay isinasangkot sa pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa na isisilbi sana ang warrant sa loob ng Baybay District Jail.

Ang pagpapalabas ng mandamiento de aresto laban sa grupo ni Marcos ay ilang araw matapos na maglabas naman ng rekomendasyon si Sen. Panfilo Lacson ang chairman ng Senate committee on public order and dangerous drugs kaugnay ng kanilang findings sa pagpatay kay Mayor Espinosa.

Para kay Lacson dapat nang i-dismiss si P/Col. Marcos at mga tauhan ng CIDG Region 8 na kasama sa operasyon.

“It is a foregone conclusion that the resolution would be such that the uniformed or PNP personnel concerned should be guilty of grave misconduct and should be dismissed from the service,” ani Sen. Lacson.

Aniya, nakagawa umano ng kasong “grave abuse” ang grupo ni Supt. Marcos dahil sa “premeditated murder” daw ang ginawa kay Mayor Espinosa.

Kabilang umano sa dahilan sa pagpatay sa mayor ay para mapatahimik at pagtakpan ang pagkakasangkot ng ilang mga pulis bilang protektor ng iligal na droga.

“The death of Mayor Espinosa was a result of a legitimate police operation or a case of premeditated murder, we are convinced that the circumstances of this case clearly present a systematic “clean up” made on any living trace that may reveal the involvement of several CIDG operatives in Kerwin Espinosa’s drug trade. After all, in the words of Benjamin Franklin, “Three can keep a secret if two of them are dead.”