-- Advertisements --

Kontento na umano si PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa sa mga inilatag na security measures para sa ASEAN Summit.

Nitong hapon ng Biyernes ay nagsagawa ng inspection si Dela Rosa sa lahat ng mga venue ng ASEAN at wala siyang masabi ukol dito.

Siniguro rin ni Dela Rosa na sapat ang pagkain ng mga pulis, may billeting areas ang mga ito, may mga tubig at mga portalets.

Nasa P500 ang budget sa pagkain ng mga pulis sa araw araw.

Sinuyod ni Dela Rosa ang Roxas Boulevard, PICC at sa may bahagi ng World Trade Center at sa saka tinungo ang MACC o ang multi-agency coordinating center sa Esplanade 1 malapit sa MOA Arena.

Kasama ni Dela Rosa na nagsagawa ng inspection si NCRPO chief Director Oscar Albayalde.

Una rito, ilang mga pulis ang nagreklamo na naka-deploy sa ASEAN Summit ng kawalan ng tubig na maiinom at portalet.

Sinabi ni Dela Rosa na kompleto na at natugunan na ang pangangailangan ng nasa 27,000 na mga pulis na naka-deploy sa ASEAN Summit.

Gagawin na rin umano na araw-araw ang gagawing inspection ng JTF-NCR sa tropa na naka-deploy para matiyak na mabibigyan ng kanilang pangangailangan ng mga  nagbabantay sa mga heads of states at mga foreign delegates.