-- Advertisements --

Plano ni PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa na makipag pulong sa simbahan kaugnay sa kanilang pagbabalik sa giyera kontra droga.

Sinabi ni Dela Rosa layon lamang nila na maging transparent sa kanilang operasyon kung kayat nais niya sana na mayroong partisipasyon ang simbahan.

Ayon kay PNP chief na hahanapan niya ng paraan para mapuntahan at makipagpulong sa simbahan kaugnay sa kanilang kampanya kontra droga.

Dagdag pa ng heneral na isama niya sa kaniyang pagbisita sa mga regional, provincial at city police offices sa buong bansa ang pagbisita sa ibat ibang diocese ng simbahang Katolika.

Inatasan na rin ni Dela Rosa ang lahat ng kaniyang mga police provincial directors na makipag-ugnayan sa mga diocese sa kanilang mga areas of responsibilities.

Habang ang mga municipal police at chief of police ay makipag ugnayan sa mga parish priest sa kanilang mga lugar para trumulong sa kanilang kampanya.

Hiling naman ni Dela Rosa sa simbahan na sila ay pagkatiwalaan ang PNP.

Samantala, nilinaw ni Dela Rosa na sa kanilang pagbabalik sa giyera kontra droga ay kanilang tiyakin na hindi ito magiging madugo gaya nuong part 1.

Sinabi ni Dela Rosa na sa kanilang pagbabalik sa war on drugs mahigpit niyang direktiba sa kaniyang mga commanders na magiging less bloody ang kanilang operasyon.

Noong Lunes ang unang araw sa pagbabalik ng PNP sa kampanya kontra droga at may naitalang nasawi partikular sa may bahagi ng Bulacan.