-- Advertisements --

Nakatakdang makipagpulong mamayang gabi si PNP chief police Director General Ronald dela Rosa at National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Director Oscar Albayalde sa Korean community sa Region 3.

Alas-6:00 ng gabi mamaya itinakda ang meeting ni Dela Rosa sa mga Koreano sa Pampanga.

Magugunita na nagpahayag ng pangamba ang Korean communities sa bansa matapos ma-publicized sa media ang pagkidnap at pagpatay sa negosyanteng si Jee Ick Joo lalo na pinatay ito ng mga pulis sa loob mismo ng Kampo Crame.

Layon ng pagpupulong nina Dela Rosa at Albayalde sa Korean communities ay tiyakin sa mga ito na wala silang dapat ipangamba.

Sa ngayon ongoing pa rin ang imbestigasyon ng PNP at NBI sa kaso ni Jee.

Kahapon binigyan ng update ni Dela Rosa si Deputy Commissioner General Kim Kiu Chan ng Korea National Police Agency kaugnay sa ongoing investigation sa kaso ni Joo.

Tumanggi naman ang PNP chief na idetalye kung ano ang kanilang napag usapan ni general chan.

Samantala, naibigay na ni Bato sa Malacañang ang sulat na ipinadala ng maybahay ni Jee Ick Joo para kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Dela Rosa laman ng sulat ang kahilingan ng pamilya na hayaan na lamang ang Philippine National Police (PNP) na mag imbestiga sa kaso.