-- Advertisements --
Gagamitin na lamang ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Marbil ang pinalawig na termino nito para sa pag-upgrade ng kahandaan ng mga kapulisan sa 2025 midterm elections.
Sinabi nito na ang apat na buwang extension ay makakatulong para mas lalong mahasa at mapaganda pa ang kahandaan nila sa halalan.
Dahil dito ay pinasalamatan ni Marbil si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa pinalawig na termino niya.
Magugunitang nakatakda na sanang magretiro ang PNP chief ngayon Pebrero 7 matapos maabot ang mandatory retirement na edad na 56.