Inatasan ni Philippine National Police (PNP) chief Police Gen. Rommel Francisco Marbil ang lahat ng police units na tumugon sa 911 emergency calls sa loob ng tatlong minuto.
Inihayag ito ni Marbil ngayong Linggo, bilang bahagi umano ng pagsisikap ng PNP na paigtingin pa ang kaligtasan ng publiko at tiyakin na marespondehan agad ang mga taong nasa panganib.
Ayon kay Marbil, nararapat lang na ang bawat Pilipino ay mapagsilbihan ng kapulisan anuman ang kanilang lokasyon o katayuan.
Dagdag pa niya, ang revitalized 911 hotline ay hindi lamang isang technological improvement. Ito ay isang mahalagang bahagi ng kanilang misyon na gawing ligtas at suportado ng PNP ang bawat komunidad.
Sa bagong sistema, binigyang-diin ni Marbil ang kahalagahan ng kahandaan ng PNP sa pagtugon sa mga emergency.