-- Advertisements --
Nagbabala si Philippine National Police (PNP) chief Police General Rommel Francisco Marbil sa mga police officers na sangkot sa mga kaguluhan o pang-aabuso na haharap ang mga ito sa parusa sa ilalim ng “zero-torelance” policy.
Nito lamang Lingo, 2 miyembro ng Manila Police District ang naharap sa criminal complaint matapos umanong suntokin at bantaan ang isang Valenzuela traffic enforcer.
Ang dalawang pulis ay nakasakay sa motorsiklo na walang helmet. Isa nga sa mga ito ang naglabas pa ng baril at ginamit ito para suntokin ang traffic enforcer sa tiyan.
Maliban pa rito, arestado rin ang isang pulis sa umano’y pagpapaputok ng baril habang nakikiinuman sa kaniyang kapitbahay sa Tondo, Manila.