Tiniyak ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil na sa ilalim ng kanyang pamumuno, ibabalik niya ang dignidad ng lahat ng tauhan ng Pambansang Pulisya.
Kaugnay nito, ipinagbabawal na ni Gen. Marbil na gawing taga payong ang mga pulis sa mga kilalang indibidwal.
Giit ng opisyal na ang lahat ng tauhan ng PNP ay hindi mga alalay, tagapag maneho o mga bayarang pulis.
Pinunto ni Gen. Marbil na dapat magsilbing huwaran ang kanilang mga tauhan sa pagiging maaasahan at higit sa lahat ay mapagkakatiwalaan.
Patuloy namang igagalang ng PNP ang mga karapatang pantao sa pamamagitan ng pagpapatupad ng “recalibrated approach” sa kanilang mga programa hinggil sa pagsugpo ng iligal na droga sa bansa.
Naniniwala ito na walang dapat na masasawing indibidwal sa pagpapatupad ng batas ng bansa.