-- Advertisements --
Mahigpit na binalaan ni PNP chief Gen. Rommel Marbil ang lahat ng mga kapulisan nito na maging neutral at iwasan ang pakikipagsawsaw sa pulitika.
Ang nasabing pahayag ay mahigit isang linggo bago ang pagsisimula ng paghahain ng mga kandidato ng kanilang certificate of candidacy sa para sa 2025 local and national elections.
Ipinag-utos din ito na sa mga kapulisan an paigtingin ang kanilang pagbabantay para maiwasan ang anumang krimen na may kinalaman sa halalan.
Pinaalalahan niya na ang trabaho ng mga kapulisan ay para ipatupad ang batas ng walang pinapanigan at ang sinumang kapulisan na sangkot sa partisan activities ay kanilang papanagutin.