-- Advertisements --

Magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ni PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa sa pag extend sa kaniyang serbisyo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa darating na Linggo January 21, 2018 magreretiro na sana sa serbisyo si PNP chief at sa Lunes hindi na ito naka duty at hindi na rin mag attend ng Flag raising ceremony, pero dahil extended ang kaniyang termino ng tatlong buwan tuloy pa rin ang kaniyang trabaho.

Aminado si Dela Rosa na 50-50 emosyon na kaniyang nararamdaman.

Giit nito na malungkost siya dahil ang plano nila ng misis niya at mga anak ay hindi na matutuloy.

Giit ni Dela Rosa iniisip niya kapag retired na siya magbabalik na siya sa gym at mag work out kung saan nais nitong pangalagaan ang kaniyang kalusugan.

Pero masaya rin siya dahil malaki ang tiwala sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dagdag pa nito na sana hindi na siya I-extend muli ng pangulo pero kung I extend siya uli ay wala siyang magawa at tutulungan niya si Pangulong Duterte.

” I don’t know. Sana naman huwag na. Well by law naman sabi ng constitution is the president can extend the chief PNP for maximum of one year after his retirement hindi ba so 3 months meron pang remaining 9 months kung gugustuhin nya but kung sa akin sana magpahinga na ako,” pahayag ni Dela Rosa.