-- Advertisements --

Muling ipinagtanggol ng Philippine National Police (PNP) ang ginagawa nilang ‘Oplan Katok’ para sa paglaban sa mga hindi rehistradong baril.

Sinabi ni PNP chief, Gen. Rommel Marbil na ang hakbang ay nakasaad sa batas at ito ay proactive initiaitive para matiyak ang pagiging responsableng pag-ma-may-ari ng baril.

Muling iginiit din nito na hindi ito isang uri ng pananakot sa mga pulitiko dahil sa nalalapit na halalan.

Ang nasabing hakbang aniya ay napapaloob sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Paliwanag din nito na susulatanng mga kapulisan ang isang tao na dapat ay irenew ang kanilang na-pasong rehistro ng baril o kaya ito ay kanilang isurender habang hindi pa narerehistro.

Walang saysay aniya ang napaulat na ang nasabing programa ay gagamitin sa panahon ng election.

Magugunitang inirekomenda ng Commission on Election na kung maaari ay kanselahin ng PNP ang nasabing programa para hindi magamit sa pamumulitika.