Muling pinaalalahanan ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil ang buong hanay ng Pambansang Pulisya na pairalin lagi ang batas at katotohanan.
Ginawa ni Gen. Marbil ang naturang pahayag sa ginanap na Command Conference sa Kampo Crame.
Ang paalala ay para sa lahat ng pulisya matapos na makaladkad sa kontrobersiya ang kanilang organisayon sa operasyon ng mga ilegal na POGO sa Pilipinas.
Sa naging pagdinig sa senado, ibinunyag ni retired General at PAGCOR Executive Raul Villanueva ang umano’y isang dating hepe ng PNP na nasa payola list ng POGO at sinasabing tumulong kay Alice Guo at sa kasamahan nito na makalabas ng bansa.
Kaugnay nito ay hinamon ni Marbil si Villanueva na ibunyag at pangalanan ang dating hepe ng PNP na kanyang binanggit.
Giit ni Marbil, ang ganitong mga paratang ay nakakasira sa imahe ng Pambansang Pulisya kayat kailangang malinawan.
Batay sa datos, aabot sa 30 ang naging PNP chief sa Pilipinas at 24 nalang dito ang nabubuhay.
Ang mga natitirang naging hepe ng PNP ay pinaiimbestigahan na ngayon ni Marbil sa Directorate for Investigation and Detective Management ng PNP.