-- Advertisements --

Lulusubin ng mga pulis ang mga bahay o establisimiyento na magpapaputok ng armas ngayong pasko at bagong taon.

Ito ang direktiba ni PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa sa lahat ng mga police personnel.

Sinabi ni Dela Rosa na pwersahang pasukin ng mga pulis ang mga bahay kung saan makarinig ng gunfire lalo na sa New Year revelry.

Binigyang-diin nito na magagawa ito ng mga pulis kahit walang bitbit na search warrant.

Paliwanag ni Dela Rosa na principle of hot pursuit ang kanilang ipapatupad sa paglusob sa mga bahay na pinagmulan ng putok.

Aniya, lahat ng mga pulis ay idedeploy sa Christmas Eve at New Years Eve.

Pahayag pa ni Dela Rosa na ni require niya ang 100 percent attendance ng mga pulis na mag duty.

Habang required din ang mga police officers na mag report sa mga police station kung saan sila nakatalaga.

Mahigpit din tutukan ng PNP ang mga lugar na prone sa indiscriminate firing.

Layon nito para makapag reponde kaagad ang mga pulis sakaling may magpapaputok ng armas.