Nagsalita na si PNP Chief PGen. Dionardo Carlos kaugnay sa paggamit ng helicopter na siyang susundo sana sa kaniya kahapon ng umaga subalit bumagsak.
Sa isang statement sinabi ni Carlos, hindi available sa oras na kailangan ang pribadong sasakyang na gagamitin sana nito para makabalik sa Camp Crame mula sa Balesin island sa Quezon.
Sinabi ng PNP Chief na nanggaling siya noong Sabado sa PMA Alumni Homecoming Baguio City at bumalik sa Camp Crame bago tumuloy sa Balesin island noong linggo para sa “private time”.
Ayon sa PNP Chief, ang kanyang pag-request ng “administrative flight” para makabalik sa Camp Crame ng Lunes ng umaga pagkatapos ng kanyang “private time” sa Balesin ay inaprubahan alinsunod sa lahat ng alituntunin ng PNP.
Sinabi ng PNP Chief na hindi niya kagustuhan ang nangyaring aksidente na ikinasawi ng isang crew at ikinasugat ng piloto at co-pilot ng chopper.
Dahil sa insidente labis niyang ikinalulungkot ang pangyayari.
Siniguro naman ni PNP Chief na magsasagawa sila nang malalimang imbestigasyon para matukoy ang dahilan ng pagbagsak ng helikopter.