Nanawagan si PNP chief Gen. Oscar Albayalde na “mag-move on” na matapos magsalita ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa pahayag ng Pangulo sinabi nito nananatili ang kaniyang tiwala at kumpiyansa sa pinuno ng pambansang pulisya.
“I am grateful as well to the clarification by President Duterte himself that there are no active service police generals involved in the drug controversy,” mensahe pa ni Gen. Albayalde.
Ayon kay PNP chief, ngayong nagsalita na ang Pangulo hintayin na lamang ang resulta ng imbestigasyon ng Senado at DILG kaya dapat mag-move on na sa nasabing isyu.
“The situation calls for the entire PNP to close ranks and remain united and strong to squarely face this divisive condition. I enjoin everyone to move on, now that the President has already spoken.”
Inatasan ni Albayalde ang Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) na rebyuhin ang kasong administratibo na isinampa laban sa 13 pulis na mga dating tauhan nito sa Pampanga na sangkot sa pagre-recycle ng Iligal na droga.
Pinatitiyak ni Albayalde na isailalim sa Administrative and Holding Unit ang mga ito para maka-harap sakaling ipatawag sa imbestigasyon.
Pagtiyak ni Albayalde, walang sasantuhin ang isasagawa nilang pagsisiyasat laban sa mga tinaguriang ninja cops at tututukan ang lahat ng detalye sa kaso.