-- Advertisements --

Muling nanawagan si PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar sa mga mamayan para sa kanilang kooperasyon at pang-unawa sa pagsisimula ngayong araw ng granular lockdown at alert level system.

Ito’y matapos na umabot sa mahigit 300,000 ang nahuli ng PNP dahil sa paglabag sa mga health protocols mula Agosto 21 hanggang Agosto 15 kahapon sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Base sa datos ng PNP JTF Covid Shield, 224,626 ang nahuli sa Metro Manila sa paglabag sa minimum public health safety protocols sa panahong nabanggit.

Nasa 87,729 ang nahuli sa paglabag sa curfew; at 15,296 ang nahuling lumabag sa travel ban sa mga hindi authorized persons outside of residence (APOR).

Sinabi ni Eleazar na naniniwala siya na ang patuloy na pagsuway ng ilan sa mga minimum public health safety standards ang dahilan sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng Covid 19 sa bansa.

Ayon kay Eleazar, ang pagsunod sa mga health protocols ang first line of defense laban sa Covid 19, at paraan narin ng pagpapakita ng respeto sa mga health workers na mahigit isang taon nang lumalaban sa frontline ng pandemya.