Ipinagdiriwang ngayong araw ng PNP Logistics Support Service ang kanilang ika-63rd Founding Anniversary na pinangunahan ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar.
Dumalo sa nasabing aktibad ang iba pang mga top ranking PNP Officers na sina Lt Gen. Joselito Vera Cruz, TDCA at Lt.Gen. Dionardo Carlos, TDCS.
Ang Tema ng LSS anniversary ngayong taon ” Logistic Support Service.. Maasahang Tagatustos ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas laban sa Hamon ng Krimen at Pandemya.”
Highlight sa kanilang aktibidad ay ang pagbibigay parangal sa kanilang mga ulirang tauhan mga uniformed and non-uniformed personnel na malaki ang naiambag sa kanilang unit.
Ayon kay Eleazar mahalaga ang role ng PNP Logistics sa kanilang organisasyon na siyang nagbibigay ng logistical support para sa ibat ibang units.
Pinuri ni Eleazar ang mga tauhan ng Logistics dahil naging epektibo sila sa kanilang trabaho lalo na ngayong nasa pandemic pa rin ang bansa.
Binigyang-diin ni Eleazar na welcome sa kanila kung madadagdagan pa ang kanilang logistical support lalo na at maraming tasking ang PNP na kanilang ginagampanan.
Aniya, marami silang wish list para mapaganda pa ang kanilang police capabilities.
Aminado si PNP Chief na kailangan pa nila ng mga dagdag na equipment, pero sa ngayon wala naman siyang nakikitang pagkukulang o problema sa kanilang logistics.
” Ang ating PNP kami ay nagtatrabaho base sa resources we have, pero sinasabi ko nga kung ano ang meron kami we make the most of these resources, but tayo nagpapasalamat sa ating Pangulo, pamahalaan dahil sa nakaraang limang taon ibang klaseng suporta ang natanggap ng PNP,” wika ni Gen. Eleazar.
Si BGen. Mario Reyes ang director ng Logistic Support Service.