-- Advertisements --
Nanindigan si PNP Chief PDGen.Oscar Albayalde na hindi demosyon ang bagong posisyon na ibinigay kay Police Dir. Camilo Cascolan.
Sinabi ni Albayalde na ang nasabing pwesto ay tulad ng CIDG na maituturing na national position bilang director ng PNP Community Security Group.
Nilinaw naman ni Albayalde na ang oversight committee ang nagdesisyon ng rigodon dahilan para mailipat si Cascolan at palitan sa pwesto ni CSupt. Guillermo Eleazar.
Kung matatandaan, hindi pumabor si Albayalde sa isinusulong noon ni Cascolan na walong oras lang na duty para sa mga pulis sa Metro Manila.