Naninindigan si PNP chief Oscar Albayalde sa no ransom policy ng pamahalaan.
Ito’y matapos kinumpirma ng heneral na humihingi ng P5 million ransom demand ang mga kidnappers ng dalawang babaeng pulis na dinukot ng mga hinihinalaang miyembro ng bandidong Sayyaf sa Patikul, Sulu.
Binigyang-diin ni Albayalde na hindi maggi-give in ang PNP sa demand ng mga teroristang bandido.
Aminado naman si Albayalde na humingi sila ng tulong sa mga local chief executives ng Sulu
at dito nga napag-alaman na humihingi ng ransom ang mga kidnappers.
Sinabi pa ni PNP na ongoing ang negotiations ng mga local officials ng Patikul para mapalaya sa lalong madaling panahon ang dalawang bihag na policewomen.
Masaya namang ibinalita ni Albayalde na mayroon pang proof of life ang dalawang bihag na policewomen.
“Hindi naman tayo nagi give -up sa ganyang demands. Thats a terror activity so we do not give in to these kinds of demands ng mga we consider terrorist,” pahayag ni Albayalde.