-- Advertisements --

Nasa Beijing, China ngayon si PNP chief  Dir. Gen. Ronald Dela Rosa para dumalo sa ika-86th International Police Organization General Assembly.

Ayon kay PNP spokesperson C/Supt. Dionardo Carlos, inimbitahan si PNP chief para dumalo sa nasabing aktibidad kung saan ngayong araw September 25 magsisimula ang Interpol meeting at magtatapos ito sa darating na September 29, 2017.

Ang bansang China kasi ang host country sa Interpol event.

Sinabi ni Carlos, maraming isyu ang posibleng matalakay sa nasabing assembly, isa na rito ang problema sa illegal na droga, cybercrime issues at iba pa.

Ang nasabing meeting ay pagkakataon na rin para magkita kita ang mga counterparts.

Layon nito para mapalakas pa ang koordinasyon ng iba’t ibang bansa lalo na sa usaping pangseguridad.

Pagkakataon din ito na magpalitan ng best practices ang mga police chief’s sa ibat ibang bansa partikular sa kanilang kampanya kontra iligal na droga.