Iimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang ginawang pagsasalita ni Lt Col. Jovie Espenido sa media kahit ongoing na ngayon ang adjudication and validation process sa mga umano’y narco cops na nasa drug watchlist ni Pangulong Rodrigo Duterte.
No comment din si Gamboa sa naging pahayag ni Espenido na nagkaroon ng “failure of intelligence” sa panig ng PNP dahil hindi nila na-validate ng husto ang mga ibinigay na impormasyon.
Dumistansiya rin si Gamboa sa pagsagot ng mga tanong na may kinalaman kay Espenido.
Umapela si Gamboa sa media na ipaubaya na sa kaniya si Espenido dahil ito ay panloob na usapin sa PNP.
Hindi rin sinagot ni Gamboa ang tanong kung totoo nga bang may “failure of intelligence” sa drug list na hawak ng PNP at sinabing hayaan na lang lumabas ang resulta ng nagpapatuloy na “adjudication process.”
Ayon kay Gamboa, isang buwan lamang ang nasabing proseso at kung ano ang magiging resulta ay agad nila isusumite ito sa Pangulong Duterte.
Sa darating na March 5, 2020 muling magkakaroon ng joint command conference ang PNP at AFP sa MalacaƱang at dito posibleng isumite ang resulta ng isinagawang adjudication process.
“Okay. Regarding Col. Espenido, leave it to us. It’s purely an internal issue. I will deal with Espenido squarely as the chief PNP and he being a member of the PNP. No comment. I will deal with it internally,” pahayag pa ni Gen. Gamboa.