Sang-ayon umano si PNP chief Oscar Albayalde sa panukalang amiyendahan ang Republic Act (RA) No. 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006.
Ayon kay Albayalde, pabata na raw kasi ang mga kabataang nasasangkot sa krimen lalo na sa pagtutulak ng iligal na droga at iba pa.
Sinabi ni Albayalde, bilang isang law enforcement agency tatalima sila sa kung ano ang nakasaad sa batas.
Nais din ng hepe ng pulisya na mas pabigatin ang parusa sa mga magulang na isasangkot ang kanilang mga anak sa kriminalidad.
“That should be included also. Mas mabigat dapat yung parusa doon sa magulang kung mapatunayang ginagamit niya yung kanyang anak dito sa hindi maganda o dito sa hindi tama, sa nagva-violate, or lalo na sa nagtutulak ng ilegal na droga,” pahayag ni Albayalde.
Pero sa ngayon, hindi pa hinihingan ng PNP ang kanilang pananaw ukol dito.
Inihayag pa ni Albayalde na marami na rin mga insidente na kinasasangkutam ng mga menor de edad.