-- Advertisements --

Pinaiimbestigahan na ni Philippine National Police Chief General Guillermo Eleazar ang pagdaraos ng fiesta sa Baclaran kahapon.

Ito’y matapos magkaroon ng mga ulat ng paglabag sa health protocol kung saan may mga mass gathering at mga bata na nakalabas kahit bawal.

Ayon kay Eleazar, aalamin sa imbestigasyon ang pagkukulang ng mga pulis na nakasasakop sa lugar, gayundin ang mga tauhan ng barangay.

Idadaan anya ito sa tamang proseso para mapagpaliwanag ang mga awtoridad at kung mapatunayang may pagkakamali ay paparusahan.

Samantala, sinabi naman ni Eleazar sa mga district police directors na kung naging pabaya ang mga Chief of Police ay agad itong sibakin sa pwesto.

Giit ni Eleazar, mabilis ang hawaan tuwing may mga kainan, prusisyon, o kahit anong selebrasyon.

Tinatawag kasi na ‘super spreader events ang mga fiesta’ kaya aniya huwag  isugal ang kaligtasan at kalusugan sa mga ganitong selebrasyon.