Pinaiimbestigahan ngayon ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde ang ulat kung sadyang pinatakas ang naarestong police officer na wanted at AWOL na si P/Supt. Johny Orme Orme kahapon matapos mahuli sa Cagayan.
Ayon kay Albayalde gumugulong na ang imbestigasyon para sa mga sangkot na pulis.
Nakatakas umano si Orme, matapos itong payagan ng mga pulis na umuwi ng bahay para kumuha ng mga damit bago ilipat sa Cagayan police provincial office.
Ayon kay Albayalde, matagal ng notorious si Orme noong pang panahon niya sa NCRPO kung saan ito ang itinuturing pinuno ng sindikato na responsable sa pagdukot at pagpatay sa casino junket operator na si Carlos Tan.
Magugunitang binunyag din ni dating PNP chief Ronald Dela Rosa na suma-sideline si Orme bilang casino financier, kung saan karamihan sa kanyang mga investors sa pagpapautang sa mga casino ay high-rollers at mga ka-batch niya sa PNPA class of 1997.
Si Orme ay sangkot din sa kidnap for ransom activity sa Cavite dahilan kaya nag-AWOL ito.
Sa ngayon dropped from rolls na ang nasabing opisyal.
“Yun ang tingnan natin, baka mamaya talagang pinatakas yan. That needs to be investigated,” pahayag pa ni Albayalde.