-- Advertisements --

Ipinag-utos ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde kay NCRPO chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar na sampahan ng kaso ang tatlong pulis na sangkot sa extortion activities.

Kasong kriminal at administratibo ang kahaharqpin ng dalawang pulis.

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Bernard Banac, ang pagkakaaresto sa dalawang pulis sa dalaang magkahiwalay na insidente dahil sa extortion ay patunay na seryoso ang PNP sa kanilang kampanya sa internal cleansing sa kanilang hanay.

Tinitiyak ng PNP sa publiko na mananagot ang mga pulis na mapapatunayang sangkot sa iligal ba aktibidad.

Nagpasalamat naman ang PNP sa publiko dahil sa suporta at pagtitiwala lalo na sa pagbibigay impormasyon laban sa mga misdeeds ng mga tinaguriang police scalawags.

“We call on our people to continue to remain supportive, alert and vigilant even as we perform our mandate to enforce the law and maintain peace and order,” pahayag pa ni Banac.