Matapos ang halong tatlong buwan na lockdown dahil sa ipinatupad na community quarantine dulot ng Coronavirus disease 2019 pandemic ay muling nagsagawa ng Flag raising ceremony sa PNP National Headquarters sa Camp Crame kaninang umaga.
Pinangunahan ito ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa at mga miyembro ng PNP Command Group.
Pero sa pagkakataong ito walang mga pulis ang naka formation sa harap ng PNP National Headquarters at tanging mga mataas na opisyal lamang ng PNP gumawa ng seremonya.
Pagkatapos ng flag raising ceremony nagtalumpati si PNP Chief Gamboa at sinabing nagpapasalamat sya patuloy na sakripisyo ng kanyang mga tauhan para lamang mapigilan ang pagkalat ng CoVID -19 ito ay sa kabila ng init, pagod, pagaalala sa kanilang pamilya at minsay nakakatangap ng kawalan ng respeto mula sa mga lumalabag sa quarantine protocols.
Ayon kay Gamboa ang pagsasagawa nila ng Flag raising ceremony ngayong umaga ay bahagi ng “new normal” na ipinatutupad ng gobyerno para mapigilan pa rin ang pagkalat ng CoVID 19.