Pinangunahan ni PNP Chief P/Gen. Debold Sinas ang pagpapasinaya sa bantayog ni BGen. Rafael T. Crame kaninang umaga.
Ito’y bilang paggunita ng PNP sa naging ambag ni General Crame sa hanay ng Pulisya bilang unang Pilipinong naging pinuno ng Philippine Constabulary.
Panauhing pandangal sa nasabing okasyon si NHCP o National Historical Commission of the Philippines Chairperson Rene Escalante kasama ang mga naiwang ka-anak ni Heneral Crame.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Debold Sinas, ang bagong bantayog ni General Crame na yari sa tanso ay obra ni Ginong Jonas Roces na kinumisyon ng NCHP upang i-akma sa kanilang pamantayan ang bagong disenyo nito.
Pinapurihan ni Escalante ang hindi matatawarang kabayanihan ng tubong Malabon na si Heneral Crame sa pakikipaglaban sa mga mananakop na Armericano at Hapon nuon.
Ang Bantayog ni Heneral Crame ay nakasakay ito sa isang Kabayo na dati ay nakaharap sa EDSA Gate ng Kampo ngayon nakaharap na ito sa gate ng Bonni Serrano.
Nagkaroon din ng re-enactment kung saan isang pulis na PCPL Francis Villaruel Delmide ang nagpanggap na Heneral Crame at nakasakay sa isang kabayo.