BAGUIO CITY – Pinarangalan ni PNP chief General Archie Gamboa ang mgaa pulis ng Cordillera region dahil sa disiplina at professionalism ng mga ito sa kanilang mandato na manilbihan at protektahan ang publiko.
Sa kanyang pagbisita sa Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet, hinamon niya ang mga personnel ng Police Regional Office – Cordillera (PROCOR) para panatilihin ng mga ito ang kanilang battle cry bilang “The Home of the Most Disciplined Cops.”
Aniya, ang catch phrase ng PROCOR ang nagpapakita sa liderato na gusto ng PNP na -imbibe sa bawat opisina o unit ng pulisya sa bansa mula sa national headquarters ng mga ito hanggang sa mga police community precincts sa bansa.
Dinagdag niya na ang walang bahid na reputasyon at creditable police service ang susi sa patuloy na pagkamit ng mga pulis sa tiwala ng mga mamamayan.
Hinimok din ni Gamboa ang mga pulis ng Cordillera sa pagpapatuloy ng mga ito sa kanilang magandang performances sa iba’t ibang kampanya ng PNP.
Kinilala pa ng chief PNP ang mga Cordillerans sa pag-stand out ng mga ito mula sa iba pang uniformed units dahil sa kultura at mga kaugalian ng mga ito.
Maaalalang noong nakaraang taon sa assessment ng National Police Commission sa professionalism ng police force sa bansa ay lumabas na 1.6 percent lamang sa 6,224 police force ng PROCOR ang naharap sa kaso mula sa simple hanggang sa grave offenses kung saan ito ang pinakamababa sa lahat ng 17 regional police offices sa buong bansa.