-- Advertisements --

CEBU CITY – Pinangunahan ni PNP Chief PGen. Debold Sinas ang blessing at inauguration ng molecular laboratory ng Police Regional Office sa Central Visayas (PRO-7) nitong araw ng Sabado.

Matatagpuan ang nasabing pasilidad sa loob ng compound ng Camp Sotero Cabahug sa lungsod ng Cebu kung saan makaka-acommodate ito ng real time polymerase chain reaction test (RT-PCR) test para sa pulisya at mga dependent nito sa posibleng impeksyon ng COVID-19.

Mayroon itong apat na swab booths at nakalaang isolation rooms.

Makapagproseso naman ito ng halos 300 hanggang 400 swab samples bawat araw.

Samantala, inihayag pa ni Dr. Jaime Bernadas, direktor ng DOH-7 na magiging operational lang ang nasabing laboratoryo kapag natapos na sa training ang personnel at experts mula sa pulisya.

Base pa sa data mula sa DOH central office nitong Biyernes, mayroon ng 12 molecular laboratories na makapagsagawa ng COVID-19 test mula sa publiko at pribadong sektor ang buong Central Visayas.