-- Advertisements --

Ipinag-utos ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang Police Regional Office (PRO 5) na isailalim psycho-fitness test ang pulis na iniulat na nag-masturbate sa harapan ng isang saleslady sa isang mall sa Legaspi City.

Ito’y matapos na makarating sa kaalaman ng PNP Chief ang insidente na kumalat sa social media.

Ayon sa PNP Chief, pulis man o sibilyan, walang tao na nasa matinong pag-iisip ang gagawa ng ganitong klase ng kalaswaan.

Kaya aniya ipinasailim niya sa medical intervention ang nasabing pulis upang maagapan kung ano man ang kanyang pinagdadaanan.

Kasabay nito, humingi ng dispensa si Eleazar sa biktima, sa kanyang pamilya, at maging sa mall management, sa maling inasal ng pulis.