-- Advertisements --
Mahigpit na ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Marbil ang malalimang imbestigasyon laban sa ilang kapulisan ng Taguig City.
Matapos na makarating sa opisina nito ang ginawang pagpasok ng mga kapulisan ng Taguig sa isang residente ng walang anumang search warrant.
Sinabi pa ng PNP Chief na hindi niya kokonsintihin ang maling nagawa ng kaniyang kapulisan.
Una ng inanunsiyo ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na kinasuhan na ng Taguig City Police Station ang 10 kapulisan nito na sangkot sa nasabing insidente.
Magugunitang inireklamo ng isang residente ang hindi makatarungan paghuli sa kaniya matapos ang pagpasok ng mga kapulisan ng Taguig ng walang anumang dalang legal na dokumento.