Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na naka deploy na ang lahat ng kanilang resources na gagamitin sa community mobilization at search and rescue operation bilang tugon sa hagupit ng Bagyong Rolly.
Kahapon pinangunahan ni PNP chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan ang isang meeting sa Kampo Crame kaugnay sa Bagyong Rolly.
Nakatutok ang nasabing pulong sa magiging deployment ng PNP resources, community mobilization at ang gagawing search and rescue operation.
Binigyang-diin naman ni Cascolan na nagpatrupad na rin sila ng forced evacuation sa mga tinaguriang danger zones.
Naka-standby na rin sa ngayon ang pwersa ng PNP Special Action Force (SAF) sakaling kakailanganin na ng augmentation force.
Samantala, pinatitiyak ni PNP Chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan sa mga police commanders partikular sa mga lugar na tutumbukin ng Bagyong Rolly na tiyakin ang kaligtasan ng mga police personnel ng sa gayon magampanan ang kanilang mga trabaho lalo na sa pagtulong sa mga LGUs sa mga gagawing force evacuation at iba pang mga disaster response.
Ayon kay JTF Covid shield Commander Lt Gen. Guillermo Eleazar na ipinauubaya na nito sa mga police commanders na mag isip at gumawa ng mga istratehiya para sa kaligtasan ng kanilang mga personnel at maging ng kanilang mga pamilya sa kani kanilang mga areas of responsibility (AOR) naka depende ito sa sitwasyon ng kanilang mga lugar.
Sa ngayon, nagsasasagawa na ng community level patrol ang PNP lalo na duon sa mga naninirahan sa mga coastal areas and danger zones, at hinihimok na ang mga residente na lumikas na sa mga ligtas na lugar.
Una ng inihayag ng NDRRMC na magdadala ng malakas na hangin at pag-ulan ang Bagyong Rolly na magdudulot ng mga malawakang pagbaha, landslide at storm surge na hanggang tatlong metro ang taas.
Pinayuhan na rin ni DILG Sec Eduardo Año ang mga LGUs na maghanda sa mga worst case scenarios.
Ipinag-utos na rin ni PNP Chied ang deployment ng mga dagdag na pulis sa mga lugat na maaapektuhan ng Bagyo para tumulong sa LGUs sa kanilang disaster management preparations.
Naka preposition na rin ang mga kagamitan ng PNP at food banks partikular sa mga lugar na lubhang maapektuhan.
Ayon naman kay Eleazar sa mga lugar na di maapektuhan ng bagyo mananatili ang striktong pagpapatupad ng community quarantine protocols.