-- Advertisements --

Hinamon ni Philippine National Police (PNP) chief police dir. General Oscar Albayalde ang mga barangay at Sangguniang Kabataan (SK) candidates sa buong bansa na sumailalim sa drug test challenge.

Naniniwala kasi si Albayalde na ito ang pinakamadaling paraan para patunayan na walang involvement sa iligal na droga ang mga kandidato.

Ang pahayag ng PNP chief ay sa gitna ng paglabas ng PDEA ng listahan ng mga barangay official na umano’y involved sa iligal na droga.

Una nang sinabi ni Albayalde na welcome sa PNP ang boluntaryong pagsuko sa kanila ng mga opisyal ng barangay na nasa narco-list at magpa-drug test.

Ayon sa PNP chief, idinadahilan ng mga kandidato na hindi required sa ilalim ng batas ang drug test pero wala naman dapat ikatakot ang mga ito kung talagang hindi sila gumagamit ng droga.