Binantaan ni PNP chief Ronald Dela Rosa na ipapa-tokhang umano nito ang halos 300 barangay officials na nasa narco-list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Nagbigay din ng direktiba si Dela Rosa sa mga regional, provincial at city directors na bago mag-eleksyon, dapat ay nakatok at napakiusapan na ang mga opisyal ng barangay na hinihinalang sangkot sa iligal na droga.
Nilinaw ni Dela Rosa na walang pagbabago sa proseso sa pagtotokhang sa mga ordinaryong sibilyan ang ipatutupad sa mga target na pulitiko.
Hinikayat naman ng heneral ang publiko na huwag nang iboto pa sa eleksyon ang mga opisyal ng barangay na kilalang nasangkot sa illegal drug trade.
Inihayag din nito na ilan sa mga pangalan na nasa narco list ng PDEA ay mga “newly-discovered” drug personalities na wala sa narco list ng PNP.