Inatasan ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar sa lahat ng police commanders sa buong bansa na palakasin ang kanilang defense plan laban sa iba’t ibang threat groups na nag-o-operate sa bansa.
Inalerto din nito ang mga chief of police na palakasin ang kanilang seguridad para mapigilan ang pag-atake sa mga security forces.
Ang direktiba ni Eleazar ay bunsod sa nangyaring pananambang sa patrol car ng PNP sa Indanan, Sulu kung saan isang pulis ang sugatan.
Batay sa report, ang nasabing pulis sakay sa patrol car at patungo ito sa Maimbung Municipal Police Station ng tambabangan ng mga hindi pa nakikilang armadong grupo.
Sa ngayon, iniimbestigahan na ng PNP kung sino ang nasa likod ng pananambang.
Sinabi ni PNP chief may posibilidad na maglunsad din ng pag-atake ang mga local terrorist group laban sa mga government forces kaya mas mabuting naka-alerto at nakahanda ang mga kapulisan sa anumang mga eventualties.
Pinalakas ng PNP ang kanilang kampanya laban sa loose firearms maging sa mga private armed groups lalo na ngayon at nagsisimula na ang election period.
Apela naman ni Eleazar sa publiko na ibigay ang kanilang kooperasyon at suporta sa mga otoridad.