-- Advertisements --

Nagbabala si PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa na may kalalagyan ang mga lalabag sa umiiral na enhanced community quarantine sa buong isla ng Luzon bunsod pa rin ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa buong bansa.

Sinabi ni Gamboa, huwag nilang subukan ang mga tauhan mula sa PNP at AFP na nagmamando ng mga checkpoints.

Binigyang-diin ni Gamboa, mayroong dalawang batas na kanilang panghahawakan sa pag-aresto sa mga lalabag at ito ang disobedience of persons in authority sa ilalim ng revised penal code at non-cooperation sa ilalim ng RA 11332.

Aniya, ayaw nitong umabot pa ang PNP sa punto na may dadamputin kaya nanawagan siya sa publiko na sumunod sa protocol sa checkpoint.

Sa ganitong paraan rin aniya ay maiiwasan ang pagkalat ng COVID-19 na siyang pangunahing dahilan kaya mayroon enhanced community quarantine.

“During the time that we were conducting the inter-agency meeting dahan-dahan ko tinext yung aking director for operations with the end view,” wika ni Gamboa.

“Sabi ko na magdevise tayo ng system which would make our checkpoints more easy and one of the suggestions is that is when you pass through a checkpoint from one region then countersigns will be provided for you to pass to subsequent regions until you reach another region or destination in Manila.

“But these are only one of the things but of course with the promulgation now of Resolution No. 13 there will be changes on the part of the PNP to adjust our guidance on our men on the field,” dagdag nito.

Siniguro din ng opisyal na lahat ng mga cargo ay makakadaan sa mga inspection lanes nang sa gayon ay hindi ito maantala.

Nilinaw naman ng PNP na maaari pa ring gamitin ng mga miyembro ng media ang kanilang company ID kapag pumasok sa mga quarantine areas hanggang Marso 21.

“Ang guidance namin sa lower units is that media people can use their company IDs, this would suffice for them to pass checkpoints unless yun nga baka may misinterpretation doon sa LGUs who might be imposing a different thing but the intention really of the agency is to have a uniformed implementation of these things but I will personally check on that,” anang opisyal.