-- Advertisements --
PNP chief gamboa sling crash

Ito ang binigyang-diin ni PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa matapos ang pagkakaaresto noong nakaraang linggo ng Integrity Monitoring and Enforcement Group PNP-IMEG sa hepe ng Argao Municipal Police Station sa Cebu na nahuling nakikipagsiping sa isang bilanggo.

Ayon kay Gamboa, mahigpit ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagiging malinis ng mga pulis sa lahat ng pamamaraan at kabilang na dito ang hindi pagkakaroon ng relasyon sa mga babaeng detainee lalo na sa mga drug offender.

Batay sa ulat ng IMEG, si Maj. Ildefonso Miranda ay mayroong dalawang preso na pinapaalis sa selda.

Isa rito ay umano’y ang kanyang karelasyon habang ang isang inmate naman ay ginagawang helper daw ng pulis.

Samantala, sinabi naman ni Gamboa na base kanilang statistics, anim na pulis ang natatanggal sa serbisyo bawat araw dahil sa mga paglabag at pagkakasangkot sa iba pang katiwalian.

argao pnp chief miranda cebu
Maj. Ildefonso Miranda and his alleged inmate

Iginiit nya rin na seryoso ang kanilang internal cleansing campaign.

Babala ni Gamboa sa mga pasaway na pulis na kanilang sisiguraduhin na mananagot ang mga ito.