Aminado si PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa na-demoralized at low morale ang mga tauhan ng Caloocan PNP kasunod ng insidenteng pagpatay sa 17-anyos na binatilyo kung saan kaliwat kanang kritisismo at batikos ang kanilang natatanggap mula sa mga kritiko.
Sa pagbisita ni Dela Rosa nuong Biyernes sa Northern Police District (NPD) kaniyang kinausap ang mga pulis duon at sinabing huwag magpapa-apekto sa mga kritisismo.
Mensahe ni Dela Rosa sa mga pulis Caloocan na huwag pa demoralized sa mga critics, bagkus tuloy ang trabaho.
Kinausap din nito ang mga pulis na naka destino sa may Dagat, dagatan, Navotas na huwag silang manlambot lalong lalo na huwag ma depress kasunod ng insidente.
Aniya, normal lamang sa kanilang trabaho bilang law enforcers na batikusin at palaging mali ang ginagawa.
Giit ni PNP chief ang importante tuloy ang kanilang trabaho, naka pokus sa kanilang misyon lalo na sa pagsugpo sa iligal na droga.
Wala ding inilabas na direktiba si Dela Rosa na mag lie low muna sa kanilang giyera kontra droga.
” Wala naman. In fact ang aking eh huwag kayong makinig sa kanila, foucs lang tayo sa trabaho natin, kailangan natin may misyon tayong gagawin, kailangan ma accomplish natin yung mission,” wika ni Dela Rosa.