-- Advertisements --

Pinatitiyak ni PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa sa mga pulis na “airtight” ang kasong isasampa laban sa mga naarestong drug personalities sa kanilang operasyon.


Layon nito para hindi ma-dismiss ang mga kasong isinasampa ng PNP laban sa mga drug suspeks.

Paalala ni Gamboa sa mga pulis maging maingat sa pag presenta ng mga ebidensiya at dapat airtight ang mga kaso para hindi mabalewala ang kanilang pagod at hirap.

Ginawa ni Gamboa ang pahayag sa isinagawang mass destruction ng mga nakumpiskang iligal na droga kahapon na nagkakahalaga ng higit P13 billion pesos kahapon sa Cavite.

Nasa mahigit isang tonelada ng iligal na droga na nakumpiska ng PDEG ang tinurn over ng PNP sa PDEA para ito ay sunugin.

Sinabi ni Gamboa, mahaharap sa karampatang parusa ang mga pulis na sumablay sa operasyon lalo na duon sa mga inihaing kaso ay dinismiss ng korte dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

Marami ng natutunan ang PNP sa kanilang mga past experiences kaya maingat sila ngayon sa paghawak ng mga kaso lalo na sa iligal na droga.