-- Advertisements --

Muling pinaalalahan ng pamunuan ng Philippine National Police (pnp) ang lahat ng tauhan nito na manatiling apolitical o walang kinikilingang mga pulitiko.

Ang paalala ni PNP Chief Oscar Albayalde sa harap ng pagsisimula ng campaign period ngayong araw.

Ayon kay Albayalde, sibak sa puwesto ang naghihintay sa sinumang mga pulis mula sa opisyal hanggang sa mga pinakamababang ranggo na mapatutunayang papanig sa mga pulitiko.

Samantala, dumipensa rin si Albayalde sa naging pagbisita sa kampo Crame ni dating Special Assistant to the President Christoper Bong Go nitong Lunes ng umaga.

Aniya, inimbita lamang si Go bilang Honorary Chairman ng Chiefs of Police Association of the Philippines at hindi bilang isang kandidato sa pagka-senador.

Nilinaw din ni Albayalde na sa opisyal na pagsisimula ng kampaniya, isasara ang lahat ng kampo ng pulisya para sa sinumang kandidato na mangampaniya sa mga pulis para sa kanilang boto.