-- Advertisements --
NAGA CITY- Binisita ni PNP Chief Gen. Debold Sinas ang lungsod ng Naga.
Sa inilabas na impormasyon ni Naga City Mayor Nelson Legacion, napag-alaman na kasama ni Sinas si Police Major gen. Angelito Casimiro, Director for Logistics kasama si Regional Director Bustamante at si City Director Marlon Catan.
Nabatid din na isa sa mga napag0-usapan ay ang pag-establish ng bagong Police Headquarters sa lungsod at dalawang dagdag na Police Station.
Kaugnay nito, nangako naman ang alkalde na patuloy na makikipagtulungan ang lokal na pamahalaan ng Naga sa Philippine National Police.
Dagdag din nito ang pagpapatuloy ng maganda at matibay na relasyon sa naturang ahensiya.