-- Advertisements --

Naninindigan ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na hindi lumabag sa health protocols si PNP Chief Gen. Debold Sinas ng magtungo ito sa Oriental Mindoro nuong nakaraang linggo.


Ayon kay PNP OIC Chief Lt.Gen. Guillermo Eleazar walang katotohanan ang alegasyon na lumabag si Sinas sa health protocol.

Sinabi ni Eleazar ang pagbisita ni Sinas sa PNP Region 4-B nuong March 11 ay naka iskedyul dahilan para sumailalim siya sa swab test nuong March 9 na negatibo ang resulta.


Paliwanag ni Eleazar na in effect sa loob ng 48 hours maaaring bumiyahe si Sinas, pero dahil naka iskedyul din ang kaniyang pagbisita sa Palawan dahilan para sumailalim siya ulit sa swab test nuong March 11 kasi required ang RT-PCR test result within 48 hours.

” In effect for 48 hours okay siya na pumunta, pero yung swab test niya ng March 11 ng umaga ay supposed to be para sa pagpunta niya sa Palawan kasi the day after that and within 48 hours dapat magpa check siya para pumunta ng Palawan, ” wika ni Eleazar.


Sinabi ni Eleazar karamihan sa nakahalubilo ni Sinas ay mga PNP personnel.
Nasa 98 individuals naman ang kanilang na-account na may direct contact kay PNP chief kung saan 10 dito ay itinuturing na high-risk close contacts.


Ayon sa heneral inoobserbahan na sa ngayon ang nasa 98 individuals at kung kinakailangan na isailalim sila sa swab test ay gagawin ito ng PNP.


Inaalam na rin ng PNP ang report kaugnay sa isang pulis na may close contact kay chief PNP na namatay dahil sa Covid-19 na umano ang ika-33rd fatality ng PNP.

Ayon kay Eleazar ongoing na sa ngayon ang contact tracing at investigation hinggil dito.
Samantala, ayon naman kay PNP Directorate for Operations Director

Maj. Gen. Alfred Corpus, kasama siya sa command visit ni PNP Chief

Sinas sa Oriental Mindoro kung saan nakatakda sana silang magtungo

sa Palawan para isupervise at imonitor ang plebisito sa Palawan.
Pero hindi na ito natuloy dahil nagpositibo sa Covid-19 si PNP chief.