-- Advertisements --

Nais ni PNP Chief Gen. Debold Sinas na mabakunahan din ang lahat ng personnel ng JTF Covid Shield ng Covid-19 vaccine bukod pa sa mga PNP medical frontliners.


Ayon kay Sinas kanilang inirekumenda na ang mga naka deployed na personnel ng JTF Covid Shield ay mabigyan ng Covid-19 vaccine.


Aniya, nais lamang niya na maprotektahan ang kaniyang mga tauhan lalo na ang mga nagmamando ng mga quarantine control points at mga checkpoints para ma restrict ang galaw sa NCR at karatig probinsiya ang Bulaca, Cavite, Laguna at Rizal na tinawag na NCR plus Bubble.


Sa ngayon mayruong 52 quarantine control points ang itinatag ng PNP, at may dagdag na QCPs sa bahagi ng SLEX at NLEX.

Nasa 3,652 na mga police personnel ang idiniploy sa 61 QCPs sa NCR plus.
As of March 24, nasa 2,677 PNP medical frontliners na ang nabakunahan ng Covid-19 vaccine.