-- Advertisements --

Pinaiimbestigahan ngayon ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde ang ulat na iniwan ng mga pulis ang mga PDEA agents na tinambangan ng mga armadong kalalakihan noong Biyernes ng tanghali sa Lanao del Sur.

Nasa kustodiya na ngayon ni PRO-ARMM regional police director C/Supt. Graciano Mijares ang limang pulis na sinibak sa pwesto at kasalukuyang iniiimbestigahan kasunod ng insidente.

Una nang sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na iniwan ng mga pulis ang PDEA agents.