Welcome sa Philippine National Police (PNP) ang isinusulong na localized peacetalks sa komunistang grupo.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay PNP chief PDGen. Oscar Albayalde, kaniyang sinabi na suportado ng Pambansang pulisya ang nasabing hakbang.
Naniniwala ang heneral na isang maganda at makabuluhang hakbang ito para makamit ang kapayapaan.
Aniya,malaki din ang parte ng PNP sa isinusulong na localized peacetalks dahil naghahanda na rin sila sa sandaling sila na ang mangunguna sa Internal security operations (ISO).
Aminado si Albayalde na ang problema sa insurgency ay localized kaya nararapat lamang na isulong ang pagsa lokal sa usaping pangkapayapaan.
Isang magandang indikasyon din ang pagsuko ng mga rebeldeng
NPA sa gobyerno.
Ang localized peacetalks ay suportado din ng Department of Interior and Local Government (DILG).